Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (January 29), umabot na sa 521,413 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 35,048 o 6.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,849 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.5 porsyento ang asymptomatic; 0.46 porsyento ang moderate; 2.2 porsyento ang severe habang 2.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 48 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 10,600 o 2.03 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 177 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 475,765 o 91.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.