Multi-million dollar contract sa Barcelona di pinatulan ni Kobe Bryant

Kobe-Bryant
Inquirer file photo

Tinanggihan ni NBA superstar Kobe Bryant ang alok ng FC Barcelona na maglaro sa kanilang koponan para sa European Club Basketball Tournament.

Nauna nang lumabas ang mga balita na hihigitan ng Barcelona Team ang kasalukuyang $25 Million per season salary ni Bryant mula sa kanyang NBA team na L.A Lakers.

Ang nasabing offer ay lumutang makaraang sabihin ng multi-MVP awardee na magreretiro na siya sa NBA sa pagtatapos ng kasalukuyang season.

Sinabi ni Bryant na wala siyang balak magtapos ng career overseas at pagsapit ng kanyang 38th birthday ay tutuldukan na niya ang 20th season ng kanyang basketball life.

Nagpasyang mag-retiro si Bryant makaraan siyang dumanas ng sunud-sunod na injuries tulad ng ruptured achilles at bali sa kanyang balikat.

Sa April 13 ang huling laro sa NBA ni Bryant kung saan makakaharap nila sa Staple Center sa Los Angeles ang Utah Jazz.

Bukod kay Bryant, inalok din ng Barcelona team ang Chicago Bulls center na si Pau Gasol na ipinanganak sa Spain.

Si Gasol ay nagbabalak na ring magretiro sa NBA sa kanyang edad na 36.

Read more...