Bahagi ng U.E Manila campus nasunog

Recto fire1
Len Montano

(Update) Tinupok ng malaking sunogang gusali ng University of the East High School Department sa Recto Ave. sa lungsod ng Maynila.

Sa paunang report ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-nueve ng umaga kanina nang mamataan ang makapal na usok mula sa loob ng gusali bago sinundan ng malakas na paglagablab ng apoy.

Pasado alas-diyes ng umaga ay itinaas na sa Task Force Charlie ang nasabing sunog.

Bago mag alas-onse ngayong umaga ay ideneklara nang fire under control ang sunog ayon sa Manila Fire Department.

Wala namang naitalang namatay o nasaktan sa sunog habang ang mga bumbero ay nagsasagawa ngayon ng mopping up operation.

Samantala, nanatili namang mabigat ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng C.M Recto Ave. at mga kalapit na lansangan dahil sa mga nakaparadang trucks ng mga pamatay-sunog.

 

Read more...