Pictures ng katawan ni Christine Dacera, isinapubliko ng ina

Sa unang pagkakataon, isinapubliko ni Sharon Dacera ang mga larawan ng katawan ng kanyang anak na si Christine sa morge ng Makati Medical Center.

Pag-amin ng nakakatandang Dacera, gumawa sila ng paraan na ma-picturan ang bangkay ng anak dahil duda na sila sa dahilan ng pagkamatay nito.

Sa isang larawan, ipinakita ang malaking pasa sa likod ng flight attendant ng PAL at sa mga iba pang picture ay ipinunto ng nanay nito ang iba pang pasa sa katawan gayundin ang mga gasgas.

“Ako ang namatayan, ako ang nawalan ng anak. Kaya Im just praying na sana makonsensiya kung sinuman ang may gawa sa anak ko. That’s why I keep on fighting now. Noon ang sabi niyo iyak-iyak ako, ngayon galit na ako. I need justice for my daughter,” ang maluha-luhang pahayag nito.

Paglilinaw din niya na wala silang pinagbibintangan sa pangyayari.

Nais lang nila aniya na lumabas ang katotohanan dahil marami silang pagdududa.

Read more...