COVID-19 vaccine storage facility sa Maynila, handa na

Manila PIO photo

Nakahanda na ang COVID-19 vaccine storage facility sa Maynila.

Ipinakita ni Manila Mayor Isko Moreno ang storage facility kasabay ng pagbisita ni vaccine zar Carlito Galvez at iba pang opisyal ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team sa Sta. Ana Hospital.

Kabilang sa refrigeration units ng Maynila ang limang HYC-390 refrigerators para sa AstraZeneca at Sinovac vials, dalawang -25°C biomedical freezers at dalawang -30°C biomedical freezers para sa Johnson&Johnson at Moderna vials.

Tatlo pang refrigeration units ang inaasahang darating sa Sta. Ana Hospital. Ito ay ang -86°C ULT freezers para sa Pfizer vials.

“COVID-19 vaccination ang susi sa pagbubukas muli ng ekonomiya,” pahayag ni Mayor Isko.

“Gusto ko na pong makabalik na sa trabaho ang mga tao nang panatag, makasakay na sila ulit ng public transportation nang komportable, magbukas ang mga negosyo, makagalaw na ang mga nawalan ng trabaho, makabalik na ang mga bata sa eskwela,” dagdag ng alkalde.

Manila PIO photo

Read more...