Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Occidental Mindoro, Biyerned ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 37 kilometers Southwest ng Paluan.

Naramdaman ang pagyanig bandang 1:12 ng hapon.

May lalim ang lindol na 17 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II – Calatagan, Batangas; Tagaytay City
Intensity I – Puerto Galera, Oriental Mindoro

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang lindol.

Read more...