Global death toll bunsod ng COVID-19, lagpas 2.20 milyon na

Pumalo na sa 2.20 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,201,044 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 443,769.

Sumunod na rito ang Brazil na may 221,676 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 155,145 naman ang death toll sa Mexico habang 154,047 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 103,126
– Italy – 87,381
– France – 74,800
– Russia – 71,651
– Spain – 57,806
– Iran – 57,736
– Germany – 56,220
– Colombia – 52,913

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 102,041,074 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 73,870,913 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...