Benepisyo sa SSS idadaan na sa e-channels

Pinalawak pa ng Social Security System (SSS) anng pagbibigay benepisyo sa mga miyembro nito.

Ito ay dahil sa gumagamit na rin ngayon ang SSS ng electronic disbursement channels dahil sa pandemya sa Covid 19.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, mula Enero hanggang Nobyembre 2020, umabot na sa  P168.55 bilyon ang nai-disbursed electronically sa 3.68 milyong miyembro gamit ang mga bangko, e-wallets, at remittance transfer companies/cash payout outlets (RTCs/CPOs).

“This accounts for 98.6% of the total disbursements worth P170.97 billion during the period,”pahayag ni Ignacio.

Idinadaan naman sa Unified Multi-Purpose Identification card enrolled sa ATM card (UMID-ATM), UnionBank of the Philippines (UBP) Quick Card, Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating banks, e-wallets, at iba pa ang pagbibigay sa retirement, Disability, Unemployment, Sickness, Maternity Benefits, Funeral at Death Benefits.

“Pension loans and short-term member loans for Salary, Calamity, and Emergency advances are released through UMID-ATMs and UBP Quick Cards. Member loans may also be released through PESONet participating banks,” pahayag ng SSS.

 

 

Read more...