Simula sa February 1, 2021, may panibagong quarantine protocols ang mga dayuhang papasok sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay bunsod ng panibagong polisiya ng Inter-Agency Task Force.
Ayon kay Roque, kinakailangan na magpakita ang mga paparating na foreign nationals ng balido at existing visa sa pagpasok sa bansa maliban na lamang ang mga kwalipikado sa Balikbayan program na nasa ilalim ng Republic Act Numbmer 6768 o The Act Instituting the Balikbayan Program.
Inoobliga na rin ang mga foreign nationals na magkaroon ng pre-booked accommodation ng hindi bababa s apitong araw mula sa mga accredited na quarantine hotel o facility.
Gagawin na ang swab test sa ika-anim na araw mula pagdating sa bansa.
“The entry of these foreign nationals will be subject to the maximum capacity of inbound passengers at the port and date of entry,” pahayag ni Roque.