Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 30,111 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Huwebes ng umaga (January 28).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,213 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
Mayroon ding bagong gumaling sa lungsod.
Bunsod nito, 28,095 o 93 porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 803 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 156,025 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES