DFA main building sa Pasay, pansamantalang isasara

Pansamantalang isasara ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang main building nito sa Roxas Boulevard, Pasay City.

Ayon sa kagawaran, isasara ang main building mula sa Biyermes, January 29, hanggang Martes, February 2.

Bahagi ito ng assessment ng DFA sa ipinatutupad na public health and safety measures.

Maaaring mausog ang petsa ng muling pagbubukas nito depende sa resulta ng assessment.

Samantala, mananatili namang bukas ang consular services sa DFA-Consular Office sa ASEANA, kasabay ng operating hours nito.

Read more...