Ayon kay Zarate, lalo lamang papatayin ng pagtangga ng taripa sa importation local hog at poultry industry.
Giit nito, ang malalaking hog raisers at meat processors lamang ang makikinabang sa hakbang na ito at mapag-iiwanan ang maliliit at lokal na magbababoy.
Sa halip na pagtanggal sa taripa ang dapat aniyang gawin ay tulungan ng pamahalaan ang mga ito sa pamamagitan ng subsidiya upang makaahon mula sa pinsalang dulot ng African Swine Flu, bird flu at ng COVID-19.
Nanawagan din ito sa mga LGU at Department of Agriculture na direktang bilhin ang paninda ng mga magsasaka at ibenta ito sa mas mababa o subsidized rate.