Pinakamababang antas ng GDP sa kasaysayan ng bansa naitala noong 2020
By: Erwin Aguilon
- 4 years ago
Naitala ng bansa ang pinakamababang pag-angat ng ekonomiya sa kasaysayan matapos maitala ang -9.5 percent na GDP growth noong taong 2020.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang 4th quarter GDP noong nakalipas na taon ay bumagsak pa sa -8.3 percent.
Ang pagsabog ng Bulkang Taal, mga nagdaang bagyo at nararanasang Covid-19 pandemic ang sinasabing dahilan ng pagbagsak ng GDP ng bansa noong isang taon.
Sa buong taong 2020 ang Industry Sector ang may pinakamalaking ibinagsak na umabot sa -13.1 percent habang -9.1 percent ang Services at -0.2 percent ang agrikultura
Kabilang sa nagdala ng mababang antas ang ekonomiya noong 4th quarter ng 2020 ay ang Agriculture na nakapagtala ng -2.5 percent, Industry Sector na -9.9 percent at -8.4 percent naman ang Services
.
Bago ito, ang pinakamasamang lagay ng ekonomiya ng bansa ay naitala noong 1984 sa ilalim ng rehimeng Marcos na mayroong -7 percent.