(File photo)
Ibinunyag ng Palasyo ng Malakanyang na ilang probinsya sa bansa ang ibabalik sa general community quarantine mula sa modified general community quarantine sa buwan ng Pebrero.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy pa ang banta sa Covid 19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon, mas maakabubuting hindi na muna tukuyin ang mga lugar na isasailalim sa GCQ.
Ipinauubaya na aniya ng Palasyo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aanunsyo sa bagong community quarantine.
Una nang sinabi ni Taguig Mayor Lino Cayetano na pabor ang Metro Manila mayors na palawigin pa ang umiiral na GCQ hanggang sa katapusan ng Pebrero.
MOST READ
LATEST STORIES