Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, lagpas 10,000 na

Aabot sa 45 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (January 27), 10,001 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 590 ang aktibo pang kaso.

28 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 9,383 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 28 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...