Mayorya ng mga residente ng QC, handang mabakunahan vs COVID-19

Mayorya ng mga residente ng Quezon City na nag-apply para sa QCitizen ID ay handang mabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay City Administrator Michael Alimurung, nakapagtala na ng humigit-kumulang 44,000 aplikante para sa QC ID.

Sa nasabing bilang, 57.6 porsyento ang sumagot nang “yes” nang tanungin kung handa silang mabakunahan laban sa nakakahawang sakit.

Tanging 9.1 porsyento lamang sa mga aplikante ang nagsabing hindi handa habang 33.3 porsyento naman ang undecided.

“Many of those who refused to be injected are worried about the efficacy and safety of the vaccine while others have health issues such as allergies,” pahayag ni Alimurung.

“Others said that they want to ensure the safety and effectivity of the vaccines before they decide on the matter,” dagdag nito.

Nakatakda namang pumunta ang city government sa mga barangay para sa manual application ng QC ID.

Read more...