BREAKING: Pilipinas, naghain ng protesta laban sa bagong Chinese coast guard law

Naghain ang Pilipinas ng protesta laban bagong Chinese coast guard law kung saan maaari na itong magpalubog ng ibang barko sa South China Sea.

Inanunsiyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na naghain siya ng diplomatic protest.

“After reflection I fired a diplomatic protest,” saad sa tweet ng kalihim.

Dagdag pa nito, “While enacting law is a sovereign prerogative, this one—given the area involved or for that matter the open South China Sea—is a verbal threat of war to any country that defies the law; which, if unchallenged, is submission to it.”

Matatandaang noong Lunes, January 25, inihayag ni Locsin na ang pagpapasa ng bagong China law ay “none of our business.”

“It is China’s business what laws it passes; so please a little self-restraint,” saad pa ng kalihim.

Read more...