Ilang parte ng Zambales, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng lalawigan ng Zambales.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 5:11 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin.

Maaapektuhan nito ang Zambales partikular sa Santa Cruz at Candelaria sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Antabayanan din ang susunod na abiso ng weather bureau bandang 5:00 ng hapon.

Read more...