Metro Manila, irerekomenda sa IATF na manatili sa GCQ sa Pebrero

Mananatiling nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila hanggang sa buwan ng Pebrero.

Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, ito ang napagkasunduan ng Metro Manila mayors at irerekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Nasa GCQ ang Metro Manila hanggang sa January 31, 2021.

May mga ipinatutupad naman na localized lockdown ang mga local na opisyal para ma-contain ang paglaganap ng COVID-19.

Ayon kay Cayetano, sa ngayon, wala pang rekomendasyon ang Metro Manila mayors kung babaguhin ang quarantine classification sa buwan ng Marso.

Read more...