Sa viva voce voting ay nakapasa sa second reading ang House Bill 8512 na layong amyendahan ang Section 4 A.9 ng Social Security Act of 2018.
Sa ilalim ng panukala ay mayroong kapangyarihan ang Pangulo na suspindehin ang nakatakdang contribution increase kaakibat ng gagawing konsultasyon sa Finance Secretary na siyang ex-officio member ng Social Security Commission.
Ikukunsidera ang pagpapaliban sa SSS contribution rate increase sa panahon na nahaharap sa national emergency ang bansa.
Sa taong 2021, dapat ay naka-schedule na itaas sa 13 porsyento ang share ng employer at empleyado sa SSS contribution mula sa kasalukuyang 12 porsyento.