DFA, may paalala sa PSC kaugnay sa dengue at Zika para sa mga sasabak sa Olympics

Dengue_1Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Sports Commission (PSC) tungkol sa panganib ng mga sakit na dengue at Zika virus na nakaamba sa mga atletang tutungo sa Rio de Janeiro Olympics.

Sa isang liham para kay PSC Chair Richie Garcia, sinabi ni DFA Asst. Sec. Maria Andrelita na tumaas ng 600 percnt ang kaso ng dengue sa nasabing lungsod ng Brazil kung saan gaganapin ang mga malalaking events ng Olympics tulad ng swimming, tennis at basketball.

Mula aniya sa dating 47, pumalo sa 329 ang bilang ng mga kaso ng dengue ayon sa pagbabantay ng Rio de Janeiro Municipal Health Department.

Minomonitor na rin aniya ng embahada ng Pilipinas sa Brazil ang sitwasyon, at nawawala na aniya ito sa kontrol.

Read more...