Pag-aampon ng bata ng same-sex couples, legal na sa Mississippi

INQUIRER file photo
INQUIRER file photo

Naglabas ang isang korte sa Mississippi ng desisyon na ikinagalak ng mga same-sex couples.

Idineklara kasi sa nasabign desisyon na unconstitutional ang matagal nang pagbabawal as mga same-sex couples na mag-ampon ng bata.

Dahil sa ruling ni US District Judge Daniel Jordan, kasama na sa legalization ng gay marriage ang pagbibigay sa mga same-sex couples ng karapatan na mag-adopt ng bata bilang kanilang anak.

Naresolbahan ng nasabing desisyon ang halos dalawang dekada nang problema ng mga same-sex couples tungkol sa pag-aampon ng mga bata dahil sa ban noon sa Mississippi.

Samantala, ilang araw na ang nakalilipas, bumuo naman ng isang panukala ang Senate ng Mississippi ng “religous freedom” bill kung saan maaring tumangging makipagtransaksyon sa mga kasapi ng Lesbian, Gay, Transgender, Bisexual (LGBT) community kung ito ay labag sa kanilang paniniwala.

Read more...