Mga cedula dapat nang punitin – Rep. Salceda

 

Isinusulong ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang isang panukala upang itigil na ang paggamit sa Community Tax Certificate o cedula.

Sa House Bill 8455 o Government Services Modernization Bill na inihain ni Salceda, nakasaad na panahon na upang i-phase out ang cedula.

Hindi anya sapat na identification ang cedula bukod pa sa hindi rin epektibong paraan para sa local government collection, at “redundant” sa maraming pagkakataon o transaksyon.

Dahil dito, sinabi ni Salceda na kailangan nang punitin ang cedula bilang isang government requirement.

Maliban sa pag-phase out sa itinutulak din sa panukala ni Salceda ang pagkakaroon ng portable social benefits gaya ng Philhealth, SSS, Pantawid Pamilyang Pilipino Program at iba pa na kaugnay sa National ID system.

Kabilang din sa panukala ang one-day business registration upang maiwasan ang overlapping registrations at mahabang proseso sa iba’t ibang ahensya, para matiyak na marerehistro na basta’t kumpleto ang mga requirement.

 

 

Read more...