Tiniyak ng MMDA na ang lahat ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay handa nang ikasa ang vaccination plan ng gobyerno.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nakipagpulong ang 17 mayors sa mga opisyal ng Inter Agency Task Force (IATF) at kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., Martes ng gabi at napag-usapan ang mga gagawing hakbang kapag dumating na ang mga bakuna.
“Secretary Galvez assured that the initial batch of COVID-19 vaccines will arrive before the end of February. I think they can finalize it in the next few days,” sabi ni Garcia.
Ayon pa sa opisyal tatlong brand ng anti-COVID 19 vaccine ang darating sa susunod na buwan.
Ipinaliwanag din nito na kinakailangan na pagtuunan muna ng pansin ang Metro Manila at malalaking lungsod sa bansa sa vaccination drive sa katuwiran na kinakailangan na mapasigla na ang ekonomiya sa business districts sa bansa.
Bibisitahin ng National Task Force against COVID-19 ang Metro Manila LGUs para suriin ang ginagawang paghahanda para sa vaccine rollout.