Magnitude 4.2 na lindol yumanig sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig 5:04 ng umaga.

May layo itong 72 kilometro Hilagang-Silangan ng Banganga, Davao Oriental.

Sabi ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Wala namang naitalang intensity sa nasabing paggalaw ng lupa.

 

 

Read more...