Northeast Monsoon o Amihan pa rin ang nakaapekto sa Luzon.
Ayon sa PAGASA, asahan na ang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ngayong araw.
Sabi ng weather bureau, makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan ang Bicol Region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.
Maulap hanggang sa maulap namang papawirin na may isolated rainshowers ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Ito ayon sa weather Bureau ay dahil pa rin sa Amihan.
Uulanin din ang mga lalawigan ng Samar dahil sa easterlies.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng maulap hanggang sa maulap namang papawirin na may isolated rainshowers dahil sa localized thurderstorms.
MOST READ
LATEST STORIES