Nasa kabuuang 997 seizures ang naitala mula January 2020 hanggang December 2020 bilang resulta ng intelligence and enforcement operations at pinagtibay na examination at inspection sa mga pantalan sa buong bansa.
Pinakamaraming nasabat na kontrabando ang imported cigarettes at tobacco products kung nasa 204 seizure cases na nagkakahalaga ng P5.774 bilyon.
Sumunod naman sa listahan ang P1.855 bilyong halaga ng ilegal na droga sa operasyon ng ahensya kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakumpiska rin ang iba’t iba pang produkto na nagkakahalaga ng P1.056 bilyon.
Umabot sa P32.585 milyon ang mga nakuhang undeclared foreign currencies habang P196.580 milyon naman ang smuggled personal protective equipment, medical supplies, at cosmetics.
May nasabat ding general merchandise na nagkakahalaga ng P406.377 milyon, P356.532 milyong halaga ng vehicles and automobile accessories, P284.622 milyong halaga ng agricultural products na walang permits at clearances.
Narito ang iba pang ilegal na produktong nasabat ng BOC:
– P236 milyong halaga ng foodstuff
– P168.285 milyong halaga ng mga gamit nang damit o ukay-ukay
– P95.174 milyong halaga ng electronic products
– P66.433 milyong halaga ng wildlife at natural resources
– P11.820 milyong halaga ng steel products
– P2.434 milyong halaga ng alcoholic beverages
– P7.280 milyong halaga ng jewelry
– P5 milyong halaga ng chemicals
– P303,000 halaga ng firearms
– P73.949 milyong halaga ng iba’t ibang produkto
Maliban sa anti-smuggling operations, sunud-sunod ang mga inihaing criminal charges ng ahensya laban sa mga importer at customs broker.
Mula January 1 hanggang December 31 taong 2020, 126 cases ang naihain kung saan 74 ang criminal cases sa Department of Justice (DOJ), at 52 naman ang administrative cases sa Professional Regulation Commission (PRC).
Inalisan din ng accreditation ang 575 importers at 148 customs brokers dahil sa paglabag sa Customs at iba pang batas.
Samantala, nakumpleto naman ng BOC ang inspeksyon at imbestigasyon sa 152 Customs Bonded Warehouses at 255 miyembro nh customs common bonded warehouses (CCBWs).
Nagresulta ito sa pagsasara ng 20 customs-bonded warehouses (CBWs) at 40 miyembro ng CCBWs bunsod ng iba’t ibang paglabag.