Napauwing overseas Filipinos sa bansa, nasa 351,576 na – DFA

Tuluy-tuloy pa rin ang repatriation efforts ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa gitna ng pandemya dahil sa COVID-19.

Sa huling tala hanggang January 25, 2021, umabot sa 351,576 overseas Filipinos ang napauwi sa repatriation efforts ng kagawaran.

Sa ikatlong linggo ng Enero, 3,288 overseas Filipinos ang nakabalik ng Pilipinas.

Sa nasabing bilang, 470 ang seafarers habang 2,818 ang land-based.

Isinagawa ang unang COVID-19 repatriation flight sa Wuhan City, China noong February 9, 2020.

Read more...