Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (January 26), umabot na sa 516,166 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 30,357 o 5.9 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,173 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.4 porsyento ang asymptomatic; 0.50 porsyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 3.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 94 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 10,386 o 2.01 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 18 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 475,423 o 92.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.