Sa press briefing, sinabi ni PhilHealth chief Dante Gierran na nasa 92 porsyento na ang na-liquidate.
“On record, ang utos po ng Senador at saka ng lower House, sabi i-liquidate. Sa ngayon po, 92 percent na ang liquidated,” pahayag ni Gierran.
Giit nito, hindi niya hahayaang mawala ang naturang halaga ng pondo.
“I will not allow.. na ‘yung pera nawala, galing ako sa NBI. Hindi pwedeng mangyari sa akin ‘yan,” saad ni Gierran.
Noong August 2020, isiniwalat ng dating opisyal ng PhilHealth na P15 bilyong pondo ng ahensya ang kinamkam ng ilang opisyal sa pamamagitan ng iba’t ibang fraudulent schemes.