Pagtalakay sa Cha-cha, posibleng kapusin na sa panahon – Lopez

Ikinabahala ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez ang posibleng epekto ng Charter Change 2022 national elections at nararanasang COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments, sinabi ni Lopez na wala siyang pagtutol ang DTI sa pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Gayunman, sabi nito posibleng kapusin na sa panahon ang Kongreso sa pagtalakay sa Cha-cha.

Ito aniya ay dahil sa pandemya dulot ng COVID-19 at ang isasagawang pambansang eleksyon sa taong 2022.

Sa kabila nito, sinabi ni Lopez na ipinauubaya na ng DTI sa “wisdom” ng mga mambabatas ang naturang usapin.

Read more...