Kalahati ng Ph population mababakunahan ngayon 2021

Kumpiyansa si Finance Secretary Carlos Dominguez III na sa pagtatapos ng taon halos kalahati ng populasyon ang naturukan na ng ant–Covid 19 vaccine.

Aniya hindi naman kailangan na bakunahan ang lahat ng 110 milyon Filipino.

Paliwanag niya ang mga may edad 18 pababa ay hindi inirerekomenda ng health experts na mabakunahan at tinataya na ang bilang nila ay 40 milyon.

Dagdag pa niya, 10 milyon hanggang 13 milyon sa natitirang 70 milyon ng populasyon ay babakunahan naman ng pribadong sektor.

Kayat aniya ang natitirang 60 milyon na lang ang kailangan pabakunahan gamit ang pondo ng gobyerno.

“We have certainly enough funds to vaccinate the 57 to 60 million people,” pagtitiyak ng kalihim.

Read more...