Drug suspect Col. Ferdinand Marcelino dumalo sa court hearing

marcelino 3Dumalo si drug suspect Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa pagdinig para sa kanyang mosyon na makapag piyansa.

Suot ang kanyang camouflage marine uniform, humarap si Marcelino kay Quezon City Judge Lyn Ebora-Cacha ng RTC Branch 82 kasama niya ang kapwa akusado na si Yan Shi Shou.

Iniharap ni Prosecutor Ramoncito Ocampo ang intelligence officer na naging susi sa pagkahuli kina Marcelino at Shou sa anti drug operation sa Maynila noong nakaraang Enero.

Hindi naman nakasipot ang dalawa pang testigong guwardiya bagaman iprinisinta ang kanilang sinumpaang salaysay.

Itinakda sa darating na Abril 13 at Abril 20 ang pagpapatuloy ng pagdinig.

Read more...