49 pang Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19

May 49 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang January 25, nasa 13,828 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 4,055 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa walo naman ang bagong gumaling kung kaya 8,828 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 945 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,881 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 2,375 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 814 naman ang kaso sa Americas at 2,758 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...