Isang trabahador, nahulog sa ginagawang gusali sa Maynila

Manila DRRMO Facebook photo

Nahulog ang isang trabahador sa ginagawang gusali sa Sta. Cruz, Maynila araw ng Lunes.

Ayon sa Manila Disaster and Risk Reduction Management Office, nangyari ang aksidente sa construction site malapit sa Arellano High School.

Nahulog ang trabahador mula sa ika-apat na palapag ng gusali.

Dahil dito, nagtamo ng mga bali sa buto ang biktima.

Agad namang binigyan ng paunang lunas ang biktima at saka dinala sa pagamutan.

Read more...