COVID-19 recoveries sa Maynila, halos 25,000 na

Karagdagang 46 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (January 25), sumampa na sa 26,148 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 377 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 75 active cases.

Sumunod dito ang Malate na may 44 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 47 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 24,993 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 778 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...