Kasabay nito ang kanyang hiling na mapagbuti ang seguridad sa pagkain sa bansa ngayon patuloy ang pakikiharap sa pandemya.
“Kailangan natin itong solusyonan, lalong-lalo na sa panahon ngayon na marami pong mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho. Walang pambili ng pagkain ang mga ‘yan, tataas pa ang presyo, mas lalong mahihirapan ang mga kababayan natin,” sabi ng senador.
Hinihimok ni Go ang gobyerno na gawing prayoridad ang pagtugon sa kagutuman, pagbili ng mabisa at sapat na anti-COVID 19 vaccines at pagpapasigla ng ekonomiya para sa trabaho at kabuhan ng mamamayan.
Aniya ang unang magandang hakbang ay magpalabas ang Malakanyang ng executive order para magkaroon ng price ceiling sa halaga ng karne ng baboy at iba pang pagkain sa mga pamilihan.
“Kung maaari po, ang gobyerno na po ang pumasan sa mga problemang ito, huwag lang po mapunta sa ordinaryong mamamayan ang dagdag na pasakit ng mahal na bilihin,” dagdag pa ni Go.