Ayon kay Zarate, “public apology is good” pero mas mainam kung ititigil na ng administrasyong Duterte ang “red-tagging” nito.
Kailangan aniyang makasuhan ang mga responsable sa mga nagpapakalat ng mga palyadong impormasyon at “fake news” na nagdudulot na panganib sa buhay ng mga tao o mga organisasyon na maling naaakusahan o napapangalanan.
Iginiit nito na ang maling impormasyon ng AFP ay nagpapakita lamang kung ano ang mga maaaring mangyari kung hahayaang makapasok na ang militar sa mga paaralan.
Babala ng kongresista, posibleng lumaganap ang pangha-harass sa mga guro, estudyante at mga kawani ng mga paaralan, at hindi malayong mauwi sa paglabag sa karapatang-pantao gaya ng nangyari noong panahon ng Martial Law.
Pahayag ito ni Zarate, kasunod ng paglalabas ng AFP na maling listahan ng mga umano’y napatay na alumni ng University of the Philippines o UP dahil sa pagsapi sa New People’s Army o NPA.