Bagong ‘lotto milyonaryo’ tumaya sa Cavite

Tatlo na ang naging milyonaryo dahil sa lotto ng PCSO ngayon taon.

Nakuha ng isang mananaya sa Cavite ang kombinasyong 5-2-12-26-28-4 sa Lotto 6/42 kagabi na may jackpot prize na P20,130,966.

Ang bagong milyonaryo ay tumaya sa isang lotto outlet sa Dasmarinas City.

May 56 mananaya naman ang kinapos lang ng isang tamang numero para sana nakahati sa jackpot prize.

Ang unang lotto milyonaryo ngayon taon ay taga-Nueva Ecija na nanalo ng P34,691,773 sa Super lotto 6/49 draw noong January 3 at noong January 7, isang tumaya sa Tabaco City, Albay ang yumaman ng P21,272,518 sa 6/42 lotto.

Read more...