Sinabi ni Atienza dapat nang ipaliwanag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang ginawa nitong pagtalikod sa kasunduan nang walang pagkonsulta sa kabilang panig.
Diin ng mambabatas, dapat ay mabigyan linaw ng kalihim ang mga pinagbasehan nito sa kanyang solong desisyon.
Pagdidin ni Atienza, sakaling may lumabag sa batas ay maarin naman gumawa ng hakbang ang otoridad nang hindi tila napapagbantaan ang nag-aaral at nagta-trabaho sa UP.
Aniya may intelligence funds naman ang AFP at maaring magamit ito nang hindi na sinisira ang magandang relasyon sa UP.
Samantala, sinuportahan ni Atienza ang inihaing Resolution 1940 ni Albay Rep. Edcel Lagman na humiling sa House Committee on Human Rights na agad makapagsagawa ng pag-iimbestiga ‘in aid of legislation’ sa pagbasura sa kasunduan.