Paggamit ng laway sa COVID-19 test ng Philippine Red Cross pinayagan na ng DOH

Aprubado na ng Department of Health ang paggamit ng saliva o laway bilang pamalit na specimen para sa COVID-19 tests sa mga laboratoryo ng  Philippine Red Cross.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naglahad sa kanilang test results ang PRC sa laboratory experts panle kaya napagkasunduan na payagan ang paggamit nito.

Ani Vergeire, “So immediately ibinigay po natin ang rekumendasyon na ‘to sa Secretary of Health. At pinarating na sa PRC na puwede nang gamitin ang saliva at alternative specimen.”

Hinihintay pa anya nila ang resulta ng validation test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) bago payagan din ang kaparehong paraan sa lahat ng mga laboratory sa bansa.

Nauna ng sinabi ni PRC Chairman Senator Richard Gordon na mananatiling Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) pa rin  ang kanilang gagamitin kahit laway na ang specimen.

Mas mabilis anya ang paglabas ng resulta sa saliva test dahil makukuha agad ito makalipas ang tatlo hanggang apat na oras.

Bukod dito,  mas mura din ang saliva test dahil nagkakahalaga lamang  ito ng P2,000.

 

Read more...