Tatanggap ng libre bakuna kontra sa COVID-19 ang lahat ng empleyado ng Clark International Airport (CIAC).
Ayon kay CIAC President Aaron Aquino, naglaan sila ng P400,000 na pondo upang ipambili ng bakuna para sa 114 na empleyado nito.
Ani Aquino, “In a national scale, the inoculation process is a Herculean task, and so we hope this modest initiative of CIAC helps the government in its continued efforts to fight COVID-19.”
Bumuo na rin anya siya ng task force na silang maghahanap at mag-administer ng covid-19 vaccine ng naayon sa guidelines na itinakda ng Department of Health.
Ngayong taon, ang mga empleyado ng CIAC ay nakatanggap na ng libreng RT-PCR test mula sa pamunuan ng paliparan.
READ NEXT
Mga credit card companies na nangha-harass ng mga may-utang na kliyente kinalampag ni Rep. Ong
MOST READ
LATEST STORIES