Pinakabago sa sinabotahe ang masterlist ng mga rehistradong botante na matatagpuan sa precinct finder base ng poll body.
Gayunman, sinabi ni Ronald Aguto, hepe ng NBI Cybercrime Division na walang dapat ikabahala sa nabanggit na pangyayari, dahil ang tinarget ng mga hackers ay hindi naman nag-iingat ng mga krusyal na datos.
Sinabi ng eksperto na ang masterlist ay isang public record na ang access ay hindi maaaring ipagkait sa mga mamamayan.
Ayon pa kay Aguto, ang pinaka-latest na pag-hack sa Comelec ay hindi maaaring makaapekto sa tunay na bilang ng mga registered voters dahil ang master’s list ay nananatiling intact o hindi nagagalaw.