Asahan na ang pag-ulan sa eastern section ng Northern Luzon ngayong araw dahil sa tail-end ng frontal system.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may pag-ulan, pagkulong at pagkidlat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Maari ayon sa weather bureau na magdulot ito ng flash floods o landslides sa mga oras na mayroong katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap hanggang sa maulap na papawirinna magdadala ng isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms.
Ang baybaying dagat sa seaboards ng Northern Luzon ay magiging katamtaman ang pag-alon habang sa iba pang panig ng bansa ay banayad hanggang sa katamtaman ang mga alon.