1,797 katao nadagdag sa mga nag-positibo sa Covid 19

Aabot sa 1,797 katao ang nadagdag pa sa bilang ng mga nagpositibo sa Covid 19.

Base sa case bulletin ng Department of Health, nasa 511,679 na ang kabuang bilang ng kaso ng Covid 19 sa bansa.

Sa ngayon, nasa 33, 603 ang active cases o 6.6 percent ng total number ng Covid cases.

Sa naturang bilang, 82.6 percent ang mild, 11 percent ang asymptomatic, 2.2 percent ang severe at 0.41 percent ang moderate.

Aabot naman sa 166 ang nakarekober habang 54 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

 

Read more...