13 patay sa shootout sa Maguindanao

(Photo courtesy: PNP Maguindanao)

Patay ang isang pulis at labing-dalawang kalaban ng estado matapos maka-engkwentro ang mga awtoridad sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon kay Major Esmael Madin, hepe ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Maguindanao, maghahain sana ng warrant of arrest ang mga pulis.

Subject ng warrant of arrest si Datu Pendatun Adsis Talusan, dating kapitan ng Barangay Limbo at limang iba pa dahil sa mga kasong frustrated murder, robbery with murder, at double frustrated homicide.

Pero sa halip na sumuko, nagpaputok ang mga suspek.

Tumagal ng limang oras ang barilan.

Patay sa engkwentro ang isang pulis na nakilalang si Sergeant Reynel Pido ng CIDG.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga awtoriad.

 

Read more...