Binanggit ito ni Tolentino sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms at aniya, kailangan pagmalasakitan ang mga Filipino seafarer dahil hindi nila nagagamit ang kanilang karapatan sa pagboto dahil palagi silang nasa laot.
Paliwanag nito, kadalasan ay ilang buwan silang nasa gitna ng dagat kayat kahit maaari silang bumoto sa mga embahada ng Pilipinas, hindi rin nila ito nagagawa.
Kinilala naman ni Comelec Dir. James Jimenez ang pagmamalasakit ni Tolentino at aniya, may mga paraan na silang pinag-aaralan para makaboto ang Filipino seafarers.
Dagdag suhestiyon naman ng senador, italaga ang mga Filipino captain ng Philippine-flagged vessels para bantayan ang pagboboto ng Filipino seafarers kahit sila ay nasa laot.