Pangulong Duterte, pinayuhan si Galvez na iwan ang mga mambabatas kung magiging verbally abusive sa pagdinig sa COVID-19 vaccination program

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si vaccine czar Carlito Galvez Jr. na tumayo at iwan ang mga senador kung magiging verbally abusive na ang mga mambabatas sa gagawing pagdinig sa COVID-19 vaccination program.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mismong si Galvez ang nagpaalam sa Pangulo na kung maaari ay hindi na dumalo sa Congressional hearings.

Pero hindi aniya pumayag ang Pangulo.

Utos ng Pangulo kay Galvez, ituloy lamang ang pagsagot sa mga tanong.

Pero kapag naging abusado na ang mga mambabatas sa pananalita, dapat na itong layasan.

Kapag aniya na cite in contempt, pangako ng Pangulo, susunduin niya si Galvez.

Ayon kay Roque, kung itutuloy ng Senado ang pagdinig sa Biyernes (January 22), tiyak na dadalo si Galvez at si Health Secretary Francisco Duque III.

Pero binibigyan aniya ng lisensya ni Pangulong Duterte ang dalawang kalihim na umalis sa pagdinig kapag hindi na naging maayos ang pananalita ng mga Senador.

Read more...