Mga kursong Fishery at Agriculture, nais pasiglahin ni senatorial candidate Francis Tolentino

Francis Tolentino 2Pursigido si Senatorial candidate at dating MMDA Chairman Francis Tolentino na mas maraming kabataan ang maeengganyo na kumuha ng mga kursong pang agrikultura.

Ayon kay Tolentino, kailangan na magkaroon ng scholarships para sa mga specialized course sa bawat lalawigan.

Ito aniya ang kasagutan upang mapunan ang pangangailangan ng bawat bayan.

Kaya’t kapag nahalal sa Senado sa eleksyon sa susunod na buwan, agad ipapanukala ni Tolentino ang pagbibigay ng scholarahips sa mga papasok sa kolehiyo at kukuha ng mga kursong Agriculture at Fishery.

Giit nito hindi maitatanggi na malaki ang potensyal ng mga likas na yaman ng bansa at kailangan lang ay malinang ang mga ito para sa pag-unlad ng buhay at ng Pilipinas.

Read more...