BREAKING: Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, nasa 505,939 na

Halos 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (January 20), umabot na sa 505,939 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 28,904 o 5.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,862 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.5 porsyento ang asymptomatic; 0.39 porsyento ang moderate; 2.6 porsyento ang severe habang 4.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 64 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 10,042 o 1.98 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 765 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 466,993 o 92.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...